Hindi nakaligtas ang Binibining Pilipinas delegate at komedyanang si Herlene Budol o mas kilala bilang “Hipon Girl” matapos mapansin ng netizens ang anila’y hindi magkasundong caption nito sa isang post sa Facebook.
Viral ngayon ang naturang post ni Herlene na sa pag-uulat ay patuloy na pinuputakte ng mapagmatyag na netizens.
Suot ang chick golden dress, lutang-lutang ang ganda at kaseksihan ni Herlene noong Huwebes.
Napansin naman ng netizens ang tila wala sa hulog na caption ng vlogger-turned-aspiring beauty queen.
“Ang mga babae, maganda man o hindi nirerespeto yan!” mababasa sa caption ni Herlene.
"Okay na sana," anang netizens hanggang sa bumanat ito ng kanyang kasabihan at sinabing, "Ako nga pala si Binibini #8 - Nicole Budol a.k.a. Herlene Hipon at naniniwala sa kasabihan “’Aanhin mo pa ang babaeng sexy at maganda kung halos lahat ng lalake nag planking na sa kanya.’ And i....Hipn!!"
Pagpupunto ng netizens, hindi sumasang-ayon sa unang linya ng caption ang kasabihan ni Herlene na tila atake sa kapwa niya kababaihan.
“Love it the duality respeto and s**tshaming in one post slay madam,” komento ng isang netizen.
“Beh naman parang ‘di nagkatugma ang caption at sayings mo jusko anteh ayusin mo lang,” segunda ng isa pa.
“There is nothing wrong with a sexually active woman, it should never degrade nor lessen her worth. I’m proud of you vevs but careful with the jokes, please.”
“Mhie, pa-help ka naman sa team mo para sa mga caption mo. Chaka behavior.”
“The duality of the caption. kala mo sumali lang ng [pam]-barangay pageant e.”
“This is really disturbing, if you can't accept that kind of thing then you should just learn to shut your mouth and mind your own thing. You're joining Bb. Pilipinas and not just some random contest out there.”
“The caption is so nakakadiri.”
Dahil sa natanggap na batikos, humingi rin ng paumanhin si Herlene sa publiko nitong Biyernes, Mayo 27.
"My apologies po. Palabiro lang po ako sa mga kasabihan ko po. Hayaan niyo po hindi na po mauulit. Salamat po sa mga reminders. Love u all po," ani Herlene.