Nasabat ng mga awtoridad ang ₱7,425,600 na halaga ng pinaghihinalaang shabu na isiniksik sa water purifier sa ikinasang operasyon sa Malolos City, Bulacan kamakailan.

Sa report ng Philippine National Police (PNP), nakilala ang inarestong suspek na si Jonas Faustino, 24.

Ang naturang iligal na droga na nakatago sa isang water purifier na galing sa Vientiane, Laos ay dumating sa Philpost-CMEC, Domestic Road, Pasay City. 

Nang matuklasan ng mga awtoridad na naglalaman din ng ipinagbabawal na gamot ang nasabing kahon, kaagad na nagsagawa ng controlled delivery operation ang mga tauhan ng PNP-Aviation Security Unit-National Capital Region at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Malolos City na ikinaaresto ni Faustino matapos nitong tanggapin ang naturang package.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.