Isinagawa ng Las Piñas City Government ang dalawang araw na Interoperability Exercise nitong May 26-27,2022 na aktibong sinalihan ng mga miyembro ng Las Piñas City Search and Rescue and Retrieval Cluster na kinabibilangan ng Las Piñas City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), Las Piñas City Police at Bureau of Fire Protection-Las Piñas, sa ginanap na training sa University of Perpetual Help System Dalta.

Ang pagsasanay ay naglalayong makagawa at mapalakas pa ang kapasidad ng LDRRMC emergency response team para sa pagpapabuti ng kanilang kakayahan tungo sa epektibong pagtugon sa emergency o oras ng pangangailangan.

Bahagi rin pa rin ito sa pagsisiguro ng lokal na pamahalaan sa pagbibigay ng mabilis, epektibo, at mahusay na pagtugon sa tuwing may kalamidad.

Nais ng Las Piñas LGU na maisulong at maiangat ang kamalayan at paghahanda ng mga mamamayan nito lalo na't matinding naaapektuhan ang komunidad sa mga panganib na dulot ng climate change.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Patunay ito na nananatiling prayoridad at mahalaga sa lokal na pamahalaan ang kaligtasan at kapakanan ng bawat Las Piñeros.