Ang transparent na imbentaryo ng Covid-19 vaccines ay maaaring makatulong sa pambansang pamahalaan na masubaybayan ang estado ng aktibo at natitirang mga jab sa bansa, sinabi ng isang health expert nitong Biyernes, Mayo 27.

Sinabi ni Health reform advocate at dating special adviser ng National Task Force (NTF) laban sa Covid-19 na si Dr. Anthony “Tony” Leachon na maaaring i-deploy ang mga bakuna sa lalong madaling panahon kung alam ng bansa ang pagbabakuna at booster rate bawat rehiyon.

“We don’t have a transparent status of the inventory of vaccines: active, near expiring, and total volume which have expired. We [also] need to know the vaccination and booster rate per region so we can deploy [vaccines as soon as possible] to the low areas given the entry of sub-variants in [the Philippines],” ani Leachon sa isang Facebook post.

Ang eksperto, noong Mayo 22, ay hinimok ang pambansang pamahalaan na "i-prioritize at i-maximize" ang unang booster o ikatlong bakuna, inulit na ito ay maaaring makatulong na maiwasan ang pag-aaksaya ng bakuna at posibleng maiwasan ang muling paglitaw ng Covid-19 surge.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Samantala, sinabi ni Department of Health (DOH) Undersecretary Myrna Cabotaje, nitong Biyernes, Mayo 27, na halos dalawang milyong bakuna ang nakatakdang mag-expire sa katapusan ng Hunyo. Gayunpaman, nilinaw ni Cabotaje na nakikipag-ugnayan na sila ngayon sa pasilidad ng COVAX para humiling ng pagpapalit ng bakuna.

Sa kabuuan, 70,754,670 Filipino ang nakakumpleto ng kanilang pangunahing dosis ng mga bakuna noong Mayo 27. Sa bilang na ito, 14,027,031 na indibidwal lamang ang na-boost laban sa sakit.

Charlie Mae. F. Abarca