Plano ni Vice President-elect Sara Duterte-Carpio na makipagpulongsa hahalilihan niyang si Vice President Leni Robredo para sa maayos na transition ng tanggapan ng huli.
Ito ang sinabi ni Duterte-Carpio sa mga mamamahayag matapos bumisita sa Lubao, Pampanga nitong Huwebes.
“Tatapusin muna po namin 'yung transition namin with the Office of the Vice President, so we are set to release a letter today or tomorrow to Vice President Leni Robredo signed by me requesting for an initial meeting,” paglalahad ni Duterte-Carpio.
Nang tanungin sa mga plano niya bilang bise presidente ng bansa, sinabi nito na palalawigin nito ang"Magnegosyo 'Ta Day," isang entrepreneurial project para sa kababaihan na sinimulan nito saDavao City.
Bukod dito, pamumunuanmuna ni Duterte-Carpio ang Department of Education (DepEd) sa administrasyon ni President-elect Ferdinand Marcos, Jr..
Itinakda ang inagurasyon ni Duterte-Carpio sa Davao City sa Hunyo 19.