Natalo man sa pagka-bise presidente, hindi 'bitter' umano si Senate President Vicente "Tito" Sotto III sa resulta ng nagdaang halalan 2022. Aniya, masarap mabuhay ng walang masamang tinapay sa kapwa. 

"God bless our President and Vice President! God bless the Philippines," paunang pahayag niya sa kaniyang Facebook post nitong Huwebes, Mayo 26.

Kahit na natalo si Sotto sa vice presidential race, karangalan aniya ang pagiging mabuting tao.

"I choose kindness over bitterness, hope over regret and a positive attitude over despair.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

"Masarap mabuhay ng walang masamang tinapay sa kapwa. Isang karangalan ang maging mabuting tao matalo ka man o manalo," anang senate president.

Sa final at official vote count, nakakuha si Sotto ng 8,251,267 boto.

Sina Sotto at House Speaker Lord Allan Velasco ang nagtaas ng mga kamay nina President-elect Bongbong Marcos at Vice President-elect Sara Duterte, noong araw ng proklamasyon noong Miyerkules, Mayo 25.