Isang mahabang tula muli ang ipinaskil ni comedy genius Michael V nitong Huwebes, Mayo 26 para maipahayag pa rin ang kanyang saloobin sa naganap na eleksyon.

Ang tula ay pinamagatang “Sama all” na mayroong eksaktong sampung saktong. Kalakip ng piyesa ng Kapuso star ang ipininta rin nitong inspirasyon ang watawat ng Pilipinas.

Narito ang kabuuang tula na ibinahagi ni Bitoy sa Instagram:

“Nag-iiba ang salita ‘pag ‘sinahog na sa tula.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Mas lumalalim pa kapag isinadula.

Naka-“facepalm” ‘yung isa, ‘yung isa nakanganga.

Hindi magkaka-intindihan ang makata at ang tanga.

“Sa mga nagbabasa, basahin ninyo ng maigi;

Sa mga kakampi ko makinig kayong mabuti;

“Quiet” na lang muna kesa ‘Sugod!’ o “Maghiganti!’

Sa susunod na eleksyon, do’n na lang tayo bumawi.

“’United we stand, divided we fall.’

Lahat ng talong kandidato, napapa-‘sana all’.

Kung daya man o peke, o may mahiwagang troll

Tama bang sabihing 31 million ang nabudol?

“Busina rin paminsan-minsan at mag-menor sa salita.

Baka trak na ang kasalubong, mahirap na ‘pag nabangga.

Minsan trak, minsan kamao, minsan talim, minsan tingga…

Kung hindi ka si Wonder Woman, hindi mo ‘yan masasangga!

“Mamâ o aleng jeepney driver, baka p’wedeng hinay-hinay.

‘Pag matindi ang banggaan pati pasahero damay.

Mas gugustuhin kong lahat tayo e buhay.

‘Pag ang driver e mahusay, iwas-gulo… iwas-lamay.

“Kung tatakbo uli, dapat matuto tayo dito.

Hindi sapat ang puso; lamang pa rin ang matalino.

Hindi rin uubra ‘yung basta ‘kahit na lang sino!’

Dapat ‘yung may “blue check” at verified ang manok mo.

“Ibang-iba na nga ‘yung noon at ang ngayon.

Hindi sapat ang tapang.

‘Wag basta-basta maghamon.

Hindi talaga kaya sa maikling panahon.

Kung paghahandaan natin, at least, anim na taon.

“Kung pakiramdam mo e “IKAW NA” talaga

Maging kampante ka at ‘wag ka nang mag-alala.

Ganyan naman ang bida sa mga pelikula

Sa simula ng istorya, nagpapatalo muna.

“Maging alisto at matalino. Magmasid bago mag-plano.

Dapat e may hangganan; radikal man ang puso mo.

Kung ayaw mong ma-subâ e ‘di ‘wag kang mag-abono!

‘Wag ka nang magpa-apekto. Hindi wakas ang pagkatalo.

“Simple lang ang sinasabi ko, ‘wag nang lagyan ng kulay;

Ito nama’y ‘kuwan’ lang… hindi naman ako nang-aaway.

‘Wag basta-basta patol, ‘wag nang sayangin ang ‘yong laway.

‘Weather-weather’ lang ‘yan! Ganyan talaga ang buhay.”

Matatandaan na low-key na inihayag ni Bitoy ang kanyang pagboto kay Vice President Leni Robredo noong eleksyon.

Natalo si Robredo ng kanyang mahigpit na karibal na si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. via landslide, majority win.

Ayon sa datos ng naganap na canvassing sa Kongreso, umani ng kabuuang 31,629,629 o 58 percent ng kabuuang boto si Marcos Jr. habang 15,035,773 naman ang nakuha ni Robredo.

Nitong Miyerkoles, Mayo 25, nang pormal na iproklama ng National Board of Canvassers ang pagkapanalo ni Marcos Jr. bilang ika-17 pangulo ng Republika ng Pilipinas kasama ang kanyang tandem na si Vice President-elect Inday Sara Duterte.