Nangako si President-elect Ferdinand Marcos, Jr. nitong Huwebes na ipagtatanggol ng kanyang administrasyon ang soberanya ng Pilipinas sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa China, taglay ang paninindigan.

"Our sovereignty is sacred and we will not compromise it in any way," giit ni Marcos sa una niyang pulong balitaan matapops iproklama ng Kongreso nitong Miyerkules.

Aniya, pagdating sa soberanya ng Pilipinas, walang lugar para sa negosasyon.

Matatandaang idineklara ng China ang malawakang territorial claims sa South China Sea kung saan nagkaroon ng overlapping claims ang Pilipinas, Vietnam, Malaysia, Brunei at Taiwan.

National

Eastern Samar, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Pinangalanan na ng Pilipinas ang ilang bahagi ng karagatang nasa teritoryo ng West Philippine Sea (WPS).

"We have a very important ruling in our favor and we will use it to continue to assert our territorial rights. It is not a claim. It is already our territorial right.We're talking about China and how do we do that? We talk to China consistently with a firm voice," sabi pa ni Marcos.

Matatandaang ibinasura ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague, Netherlands ang pahayag ng China na saklaw ng kanilang teritoryo ang karagatan kasunod na rin ng iniharap na kaso ng Pilipinas noong 2016.

Gayunman, hindi kinikilala ng Beijing ang inilabas na ruling ng korte.

Paglilinaw din ni Marcos, hindi susuongsa digmaan ang bansa at sa halip ay ipagpapatuloy ng pamahalaan ang pakikipag-usap sa China kaugnay ng usapin.

Kamakailan, namataang pumasok sa WPS at sa ilang bahagi ng Kalayaan Island Group sa Palawan ang ilang Chinese vessels kahit wala umanong pahintulot sa Pilipinas.