Si Vice President-elect Sara Duterte ang pangatlong babae na manunungkulan bilang Bise Presidente ng Pilipinas sa susunod na anim na taon.

MB PHOTO BY NOEL PABALATE

Iprinoklama noong Miyerkules, Mayo 25, sina dating Senador Bongbong Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte bilang presidente at bise presidente ng bansa, ayon sa pagkasunod-sunod.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

MB PHOTO BY NOEL PABALATE

Si Inday Sara Duterte ay anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagsilbi ring mayor ng Davao City bago maging pangulo ng bansa. Katulad ng ama, siya rin ay isang abogado.

Unang sumabak sa politika si Inday Sara noong 2007 nang manalo bilang vice mayor ng Davao City.

Tumakbo siya bilang mayor noong 2010 at pinalad na manalo. Siya rin ang unang babae at pinakabata na itinalagang mayor sa Davao City.

Pagkatapos unang termino bilang mayor, nagpahinga siya ng tatlong taon sa politika. Pagkatapos ay muling nanalo bilang mayor noong 2016, at 2019 midterm elections.

Samantala, ngayong 2022, bukod sa pagiging ika-15 Bise Presidente, si Inday Sara rin ang pangatlong babae na manunungkulan bilang Bise Presidente sa kasaysayan ng Pilipinas.

Ang unang babaeng naging Bise Presidente ay si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo (1998-2001) at pangalawa naman si Vice President Leni Robredo (2016-2022).

Magsisilbi rin bilang Kalihim ng Department of Education si Vice President-elect Sara Duterte sa ilalim ng administrasyon ng kaniyang running mate na si President-elect Bongbong Marcos, Jr.

Nakatakdang umupo sa puwesto sina Duterte at Marcos sa Hunyo 30, 2022.