Nagpaabot ng pagbati sa proklamadong President at Vice President-elect na sina Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. at Inday Sara Duterte ang celebrity na si Dawn Zulueta, na isang masugid na BBM-Sara supporter, sa pamamagitan ng kaniyang Instagram post, kahapon ng Mayo 25, 2022.

"It’s official! Congratulations, our President elect @bongbongmarcos (red heart emoji). God bless you & our duly elected Vice President @indaysaraduterte (red heart emoji), sey ni Dawn.

View this post on Instagram

A post shared by Dawn Zulueta (@dawnzulueta)

Si Dawn Zulueta ang misis ng longtime friend ni PBBM na si dating Davao Del Norte Representative Anton Lagdameo, Jr. na napipisil maging Special Assistant to the President (SAP).

Ang Special Assistant to the President ay minsan na ring naging posisyon ni Senador Bong Go, para kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Marcos, magiging madali para kay Lagdameo ang posisyon dahil matagal na silang magkaibigan at magkatrabaho at kilala na siya ng mambabatas.

“It’s a very sensitive and very important in a sense that we have worked, known each other since he was a child, since he was young. He knows me very well,” sey ni PBBM sa panayam.

Sa naganap na campain sortie ng UniTeam sa Carmen, Davao del Norte noong Marso 30, ibinida ni Marcos si Lagdameo bilang isang taong nakatrabaho niya sa 'maraming proyekto'.

Si Lagdameo ay apo ng tinaguriang 'Banana King' na si Antonio Floirendo Sr., isa sa cronies ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr.

Ang Special Assistant to the President (SAP) ay magsisilbing official aide ng pangulo ng Pilipinas. Siya ang mangangasiwa ng Office of the Special Assistant to the President (OSAP). Tungkulin ng SAP na magbigay ng general supervision sa Presidential Management Staff.

Nagbitiw si Go sa posisyon nang magdesisyong tumakbo sa pagkasenador noong 2019.

Noong Nobyembre 9, 2020, pinalitan siya ni Jesus Melchor Quitain bilang OIC o Officer in-Charge. Kahit na wala na si Go bilang SAP ay nanatili pa rin siya sa pag-asiste kay PRRD.