Pinalawig ng Philippine Red Cross (PRC) ang pagpaparehistro para sa Million Volunteer Run 6 (MVR 6): Virtual Bike and Run Edition’s culminating activity hanggang Hunyo 12, na nakatakdang ganapin sa SM Mall of Asia (MOA) grounds.

Ang malilikom mula sa aktibidad sa pangangalap ng pondo ay ilalagak sa mga hakbang ng PRC laban sa sitwasyon ng Covid-19 sa bansa.

Ang edisyon ng MVR 6 ay binubuo ng virtual duathlon para sa mga siklista at runner na nais magkaroon ng malusog na pamumuhay. Hindi tulad ng mga pre-pandemic MVR, ang mga kalahok sa taong ito ay pinapayagang tumakbo o magbisikleta sa kanilang napiling oras sa panahon ng karera.

Kailangan lang nilang subaybayan ang kanilang record sa pamamagitan ng kanilang GPS-tracking application o panoorin at i-upload ang resulta sa kanilang account dashboard.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Binanggit din ng PRC sa kanilang Facebook post noong Huwebes, Mayo 26, na ang mga nagparehistro para sa virtual na activity ay maaari ring lahukan sa on-site run sa MOA grounds. Bukas ang gate ng 4 a.m.

Ang MVR ay paraan ng PRC sa pagbuo ng isang solidong network ng isang milyong voluneteers na may pusong suportahan ang mga humanitarian response sa pamamagitan ng kanilang oras, kakayahan, at resources.

Sa sandaling ito, ang PRC ay nakapagbigay na ng 1,181,252 na dosis ng mga bakuna at boosters at ganap na nabakunahan ang 372,552 indibidwal. Nakapag-test na rin ito ng 5,573,510 swab at saliva sample para sa Covid-19 gamit ang RT-PCR. Ang mga isolation facility nito ay nakapagsilbi na sa 5,176 na pasyente at nakapag-deploy na rin ng 125 medical tents sa 64 na ospital, na nagsilbi sa 65,856 na pasyente.

Mula noong simula ng pandemya noong Marso 2020, nakakuha ang PRC ng pitong negative pressure ambulance unit na tumulong sa pagdadala ng mga pasyenteng may mga nakakahawang sakit.

Sa kanilang mantra, “Volunteers + Logistics + Information Technology = A Red Cross that is Always First, Always Ready, Always There,” ang aktibidad na ito ay isa rin sa mga istratehiya ng organisasyon upang mapaghandaan ang “buffet” ng mga sakuna na bumibisita sa Pilipinas tuwing taon.

Ang PRC Chairman at Chief Executive Officer (CEO) na si Senador Richard J. Gordon ang nagkonsepto ng unang MVR noong 2011 at taun-taon na idinaraos mula noon.

Para sumali, magrehistro sa www.runrio.com

Luisa Cabato