Bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa burol ng tinaguriang "Queen of Philippine Movies" na si Susan Roces nitong Miyerkules ng gabi.

Dumating si Duterte sa Heritage Park sa Taguig, kasama si Senator Bong Go, at sinalubong sila ni Senator Grace Poe na anak ni Roces.

Agad namang ipinakilala ni Poe si Duterte sa mga miyembro ng kanyang pamilya.

Ilang minuto ring nakipagkkuwentuhansi Poe sa Pangulo.

National

Kahit nasa ₱700M na lang ang budget: OVP, tuloy pa rin ang trabaho

Nitong Martes, bumisita si President-elect Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. sa burol ni Roces. Kasama ni Marcos ang asawang si Liza.

Itinakda naman ang libing si Roces sa Manila North Cemetery kung saan makakatabi nito ang asawang Fernando Poe, Jr, sa Mayo 26.