Nasa 1.25 ang kasalukuyang Covid-19 reproduction number (Rt) ng Metro Manila, sinabi ng Department of Health (DOH) nitong Huwebes, Mayo 26.

Ang reproduction number ay ang average na bilang ng mga tao na maaaring mahawaan ng isang indibidwal na positibo sa Covid-19. Kung ang numero ng pagpaparami ay mas mababa sa isa, bumabagal ang pagkalat ng virus.

“The Rt of NCR (National Capital Region) as of May 23 is at 1.25,” anang DOH sa isang pahayag.

Sa kabila ng development na ito, sinabi ng DOH na ang pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa Metro Manila ay hindi pa nakakaapekto sa kapasidad ng mga ospital.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“While we have seen an incremental increase in the Rt and observed a similar uptick in cases, as mentioned, these are slow, small, non-sustained, and have not yet translated to increase in admissions,” dagdag ng DOH.

Analou de Vera