Aabot pa sa 199 na panibagong kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) ang naitala ng gobyerno nitong Huwebes. 

Tumaas na sa 3,689,656 ang kabuuang kaso ng sakit sa Pilipinas, ayon sa pahayag ng Department of Health (DOH).

Nilinaw ng DOH na sa pagkakadagdag ng kaso nitong Mayo 26, umabot na sa 2,323 ang active case sa bansa.

Wala namang naiulat na bagong namatay sa sakit sa naturang petsa kung kaya't nadagdagan pa sa 3,626,878 ang kabuuang nakarekober sa sakit.

Duterte siblings, nag-bonding: 'Always something to be grateful for'

Sa datos ng ahensya sa nakalipas na dalawang linggo, nakitaan ng pagtaas ng kaso ng sakit sa Metro Manila, Region 4A at Region 3.

Panawagan pa ng DOH, sumunod pa rin sa ipinatutupad na safety at health protocols upang hindi na kumalat ang sakit sa gitna ng banta ng Omicron sub-variant sa bansa.