Nananatili pa ring positibo ang pananaw ng TV host na si Bianca Gonzalez kahit na hindi nanalo ang kaniyang kandidato na sina Vice President Leni Robredo at Senador Kiko Pangilinan.

"Walang nasayang. Lahat tayo'y naghahangad ng ikabubuti ng mga Pilipino at ng bayan," tweet ni Bianca noong Miyerkules, Mayo 25, ilang matapos ang proklamasyon ng bagong halal na presidente at bise presidente.

"The work continues for all of us," saad pa niya.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

https://twitter.com/iamsuperbianca/status/1529468152228130816

Isa si Bianca Gonzales sa mga Kapamilya stars na sumuporta sa Leni-Kiko tandem. Naging host din siya sa ilang campaign sorties ng Tropang Angat ng Leni-Kiko.

Iprinoklama noong Miyerkules ng gabi sina Bongbong Marcos, Jr. at Sara Duterte bilang presidente at bise presidente, ayon sa pagkakasunod-sunod.