Nagpasalamat si Atty. Barry Gutierrez, spokesperson ni Robredo, sa mahigit 15 milyong bumoto kay Vice President Leni Robredo sa nagdaang eleksyon 2022.

"15,035,773. Maraming, maraming salamat at mabuhay," ani Gutierrez noong Miyerkules, Mayo 25, ilang oras matapos ang proklamasyon ng bagong presidente at bise presidente.

"Feeling ko kapamilya ko na kayong lahat," dagdag pa niya.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

https://twitter.com/barrygutierrez3/status/1529471532099342337

Sa final at official results, nakakuha ng 15,035,773 na boto si Vice President Leni Robredo habang nakakuha naman ng 9,329,207 ang katandem nitong si Senador Kiko Pangilinan.

Nanalo at naiproklama na bilang Presidente at Bise Presidente ng Pilipinas sina Bongbong Marcos at Sara Duterte at nakatakdang umupo sa Hunyo 30.

Samantala, matatandaan na inanunsyo ni Robredo na ilulunsad ang Angat Buhay NGO sa Hulyo 1, isang araw matapos ang kaniyang termino bilang bise presidente ng bansa.