Nasa kabuuang 4,358 katao sa Aklan noong Martes, Mayo 24 ang nabakunahan ng Philippine Red Cross (PRC) sa pamamagitan ng “Bakuna bus” nito.

Ang vaccine on wheels, isang programa sa pakikipagtulungan ng PRC at mga lokal na pamahalaan, ay nagbigay ng higit sa 9,000 na dosis ng mga bakuna at Covid-19 booster sa lalawigan mula noong nakaraang taon.

Ilan sa mga lugar na binisita ng "Bakuna" bus ng PRC ay ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Aklan Rehabilitation Center.

“Ang Philippine Red Cross ay mananatiling nandyan para sa ating mga kababayan sa matagal na panahon, hanggang sa tayo ay maging ligtas sa peligro ng Covid-19,” ani PRC Chairman and Chief Executive Officer (CEO) Senador Richard J. Gordon sa isang pahayag nitong Huwebes, Mayo 26.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nakiusap din siya sa mga hindi pa nabakunahan at sa mga kwalipikadong magpa-booster shot dahil hindi pa tapos ang laban sa Covid-19.

Ang iba pang lugar ng pagbabakuna ng PRC sa Visayas ay matatagpuan sa Bohol, Capiz, Negros, Bogo, at Roxas City.

Ang programa ng pagbabakuna ng PRC ay nakapagbakuna ng 372,553 katao sa buong bansa noong Mayo 25.

Ang Aklan, na kasalukuyang nasa Alert Level 1, ay nagpapahintulot sa lahat ng interzonal at intrazonal na pagbiyahe at lahat ng mga outdoor activity na napapailalim sa mga alituntunin ng lokal na pamahalaan.

Luisa Cabatb