Naglabas ng opisyal na pahayag ang talent management agency ng volleyball superstar na si Alyssa Valdez, kaugnay sa isyu ng hiwalayan nito kay basketball superstar Kiefer Ravena.
"A lot of speculation has been made. We appreciate the concern, but this decision does not involve any other party," paglilinaw ng VMG ASIA sa inilabas nilang opisyal na pahayag sa social media.
"Let us avoid making up stories and spreading false rumors. We hope that everyone can respect Alyssa's decision to keep things private."
Pinasalamatan ng talent management ang mga tagahanga ni Alyssa sa kanilang walang sawang pagsuporta sa kaniya.
"This will be the only time we will address this matter. We will not be entertaining any interviews or questions. Thank you for your understanding."
Ibinahagi naman ito ni Alyssa sa kaniyang Twitter account.
"Please avoid making up stories & spreading false rumors. Thank you for all the love," ani Alyssa. Hindi na idinetalye pa ng volleyball superstar ang puno't dulo ng kanilang desisyong maghiwalay na.
Ni-retweet din ni Vania Edralin ng VMG Asia ang naturang pahayag, at inupload din bilang Instagram story.
“It’s always sad to see people grow apart, but I am hopeful you’ll both find your way. Will always be here for you Ly. Love you."
Tinuldukan na nina Alyssa at Kiefer ang kanilang anim na taong relasyon. Hindi naman naging malinaw ang dahilan ng kanilang paghihiwalay. Pareho silang naging superstar sa mga sports na kanilang kinabibilangan.
Matatandaang kasama ang dalawa sa Philippine National Team na lumaban at kumatawan sa bansa sa SEA Games 2021 na ginanap sa Vietnam.