Mahigit na sa 69 milyon ang fully vaccinated na sa Pilipinas, ayon sa pahayag ng Department of Health (DOH) nitong Huwebes.
Ayon naman kay Presidential Adviser on Covid-19 Response Vince Dizon, kulang na lang 7.8 milyon upang makumpleto na ang puntiryang mahigit sa 70 milyong bakunado sa bansa.
Nagsasagawa pa rin aniya ng special vaccination sa ilang lugar sa Visayas at Mindanao bilang bahagi ng pinaigting na pagbabakuna sa Pilipinas.
Nangangamba naman ang ekspertong si Dr. John Wong, miyembro Inter-Agency Task Force-Technical Working Group on Data Analytics, sa posibilidad na tumaas ang kaso ng Covid-19 sa bansa dahil sa rin sa pagpasok ng Omicron sub-variant BA.2.12.1 sa bansa.
Idinahilan ni Wong ang pagbale-wala ng publiko sa safety at health standards, lalo na sa mga pampublikong lugar.