Sa isang panayam sa Amerika kamakailan, naging bukas ang singer-actor ukol sa kasalukuyang estado ng kanyang puso.
Nasa Los Angeles California si James Reid ngayon kasama ang mga kaibigan at katrabaho sa kanyang music label. Namataan pa ang Filipino-Australian celebrity sa naganap na Gold House Gold Gala sa LA kamakailan kasama ang kapwa Kapamilya star na si Liza Soberano.
Paggawa naman ng mga kanta ang kinabibisihan ngayon ng aktor.
“I’m out here really working on music,” pagbabahagi ni James sa isang panayam ng Pacific Rim Video Press sa naganap na gala para sa Asian Pacific Islanders (API) artists noong Mayo 21.
“Getting in the studio like five days a week, just making music, meeting up with people—it’s been great the whole Asian community out here,” dagdag niya habang binanggit na pakikisalamuha sa kapwa Asian artists na siya pa rin ay “at home” kahit malayo sa Pilipinas.
Muling pagbabahagi ni James, musika ang prayoridad niya ngayon sa kanyang pananatili sa Amerika.
“There’s definitely interest to really pursue music. That’s where I’m headed right now. But for now, I’m just enjoying the creative process, making music, collaborating,” aniya.
Sa kanyang linyang pop music, hangad ni James na dalhin ang original Pinoy music (OPM) sa banyagang bansa na dahilan din kung bakit siya nananatiling single.
“I’m not really interested [with any girl] right now. I‘ve been trying to stay single for as long as possible just because there’s a lot I’m trying to do right now. I got out of a 4-year relationship so I’m just tryna do me, be happy being me for a while,” anang aktor.
Taong 2020 nang ianunsyo ni James at ng multimedia star na si Nadine Lustre, ang kanilang naging hiwalayan noong 2019. Gayunpaman, nanatili bilang magkaibigan ang dalawa at naging collaborator pa para sa ilang music projects.
Nangako naman si James sa fans na may mga inihanda siyang mga bagong kanta na ilalabas soon.
“Just hang in there, stay tuned and there’s a lot of music coming for you guys,” aniya.