Isang buong studio cover ng kontrobersyal na kantang “Roar” ang inilabas ni Multimedia Star Toni Gonzaga, ilang oras matapos iproklama ng Kongreso bilang ika-17 pangulo ng Republika ng Pilipinas si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ang 2013 Katy Perry hit ang isa sa mga tumatak at naging anthem ni Toni sa kanyang mga pagtatanghal sa mga campaign rally ng UniTeam sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Matatandaan na matinding kritisismo ang inabot ng actress-host sa ilang live performances nito sa parehong kanta, maliban sa kanyang pagiging hayagang tagasuporta ni Marcos Jr at sa buong UniTeam.

Ngayong Miyerkules, Mayo 25, namataan din si Toni kasama ang asawang si Paul Soriano sa proklamasyon ng Kongreso kay President-elect Marcos Jr.

Relasyon at Hiwalayan

Jak masaya pang sinalubong ang 2025; netizens, napansing iba ang kasama niya

Kasabay nito, ngayong araw ay nag-release din ang actress-singer ng full studio cover ng Roar o “victory song” kung tawagin ng UniTeam supporters.

Narito ang ilang komento ng netizens sa kanyang brand new cover sa YouTube:

“To all the bashing that she got, this is now Toni's response! Roaring like a tiger. No matter how they try to put her down, she always has her way to go up.”

“This song is the best for "VICTORY". When I heared this song TAGUMPAY ng pagkakaisa ang laging nananaig. Kudos team UNITEAM and to you Ms. Toni.”

“We love you Toni G. no matter what they say. Words can't bring you down! Hehe.. Panalo tayo.”

“Si Toni ang patunay na kahit anong masakit na salita ang ibato sayo,kung hnd mo sila papatulan maganda ang iyong patutunguhan.”

“So this is how you deal with your haters. Toni G. was bashed for singing this song on BBM's rally and now, she made a cover for Roar. Hahahahaha. The unbothered queen talaga! Congrats Celestine!”