Dumalaw sa burol ng yumaong student leader na si Fredrick Mark Bico Alba mula sa Antique si presumptive Vice President Sara Duterte kasama ang senator-elect na si Loren Legarda, ngayong Miyerkules, Mayo 25.

Sa ulat ng Radyo Bandera Antique noong Biyernes, Mayo 6, namataang wala nang buhay ng kaniyang pamilya si Alba matapos umanong kitlin nito ang sariling buhay sa Barangay San Jose, Antique, pasado alas-singko ng umaga, sa katulad na araw.

Bagaman walang umanong ideya ang sariling kamag-anak sa dahilan ng trahedya at napiling pasya ng kanilang mahal sa buhay, isang nagpakilalang kaibigan ang tumawag ng pansin sa social media, na si Alba raw ay biktima ng cyberbullying. Si Alba raw ay isang BBM-Sara supporter.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/06/lalaki-nagpatiwakal-matapos-umanoy-ma-bully-dahil-sa-kanyang-napiling-pangulo/">https://balita.net.ph/2022/05/06/lalaki-nagpatiwakal-matapos-umanoy-ma-bully-dahil-sa-kanyang-napiling-pangulo/

Probinsya

Tindero ng isda, ninakawan ng halos <b>₱30k matapos makatulog sa harapan ng palengke</b>

Kasama umano nina Duterte at Legarda sina Governor Rhodora Cadiao, San Jose Mayor Elmer Untaran at UA-President Pablo S. Crespo Jr.

Ngayong Miyerkules din nakatakda ang proklamasyon sa kanila, matapos ang canvassing ng mga boto sa Batasang Pambansa.

“Mayor Inday received information from the legal counsel of Lakas-CMD of a possible date for the proclamation,” saad ng spokesperson Christina Garcia-Frasco,Garcia-Frasco sa isa pahayag noong mayo 24 ng gabi.

“She had earlier set a visit to the wake of a supporter in Antique who was depressed and bullied because of his political preferences and eventually committed suicide. Inday Sara also has meetings in Antique and Iloilo,” dagdag pa.

Hindi pa tiyak kung makakabalik kaagad sa NCR si Inday Sara para sa kaniyang inaabangang proklamasyon.