Iniimbestigahan na ng Commission on Human Rights (CHR) ang naganap na sagupaan sa pagitan ng mga pulis at militanteng grupong nagpupumilit na mag-rally sana sa Batasan Complex kung saan isinagawa ang proklamasyon sa pagkapanalo ni Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. bilang pangulo ng bansa nitong Miyerkules.
Sa pahayag ng CHR, ipinaalala nito ang karapatan ng pagkakaroon ng mapayapang pagtitipon.
Pinaalalahanan din nito ang Philippine National Police (PNP) na dapat panatilihin ang maximum tolerance sa lahat ng pagkakataon.
Pinayuhan din ng CHR ang mga raliyista na magingresponsable sa pagpapahayag ng saloobin at paggigiitng kanilang karapatan.
Bago ang insidente, magmamartsa na sana ang mga militanteng grupo sa Commonwealth Avenue patungong Batasan Complex. Gayunman, hinarang sila ng mga pulis hanggang sa magkaroon ng sagupaan.
Binombahan din ng tubig ang mga raliyista kung kaya't napilitan na lamang silang magsagawa ng programa sa tapat ng gusali ng CHR.