Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) nitong Miyerkules na palalawigin pa nila ng isa pang buwan ang ipinagkakaloob na libreng sakay ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) para sa kanilang mga parokyano.

Sa isang virtual press briefing, sinabi ni MRT-3 general manager Michael Capati na patuloy na mae-enjoy ng kanilang mga pasahero ang libreng sakay hanggang sa Hunyo 30, 2022, matapos na magpasya ang pamahalaan na palawigin pa ang naturang programa.

Maaari aniyang i-avail ng publiko ang libreng sakay anumang oras sa buong panahon ng operating hours, mula 4:40 ng madaling araw hanggang alas-10:10 ng gabi.

Matatandaang unang ipinasya nina Pangulong Rodrigo Duterte at DOTr Secretary Arthur Tugade na pagkalooban ng libreng sakay ang publiko noong Marso 28 hanggang Abril 30 bilang selebrasyon sa pagtatapos ng rehabilitasyon ng naturang rail line.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Pinalawig pa ang libreng sakay ng hanggang Mayo 30 bilang tulong na rin sa publiko, sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Naiulat na umaabot na sa halos 16 milyon ang naitala nilangtotal ridership mula nang ipatupad ang libreng sakay noong Marso 28 hanggang Mayo 24, o may average na weeklyridership na 315,334.

Naitala aniya ang pinakamataas na ridership ng MRT-3 na 351,592 nitong Mayo 20.

Sa pagtaya pa ni Capati, aabot sa₱286 milyon ang kanilang estimated foregone revenues mula Marso 28 hanggang Mayo 24.

Ang gobyerno aniya ang nag-subsidize sa naturang halaga, mula sa₱7.1 bilyong pondo ng MRT-3 para sa operasyon nito ngayong 2022.