Nilinaw ng singer na si Kuh Ledesma na hindi totoo ang mga kumakalat na bali-balitang inatake siya sa puso at namatay na raw.

"Fake news going around na inatake ako… but I'm alive. Don't just believe in stuff like that. So, if you hear news, make sure to ask before spreading it around," saad sa caption ni Kuh sa kaniyang Instagram post noong Mayo 23.

View this post on Instagram

A post shared by Kuh Ledesma (@kuhledesma)

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Kalakip nito ang isang video clip na nagpapakitang buhay na buhay siya at tila nasa isang beach resort.

“Naku naman may lumabas na fake news, ako raw ay nagkaroon ng heart attack. Teka, okay na okay ang heart ko very strong. Kasi si Lord ang nagpapalakas sa akin. Huwag po kayong maniniwala sa mga ganoon. Ang Diyos lamang ang nagbibigay ng buhay sa akin," nakangiting sey ni Kuh.

May bad karma raw ang mga ganitong bagay sa mga taong mahilig magpakalat ng pekeng balita.

“Yung mga fake newsers na ‘yan, ‘yung mga gumagawa ng ganyan may balik na masama ‘yan. Huwag n'yong gawin ‘yan, okay"

Kaya payo niya sa mga nagpapakalat at gumagawa ng pekeng balita, "Focus on Jesus bibiyayaan ka Niya kapag gumagawa ka ng kabutihan sa iyong kapwa. Kaya huwag nating binabalikan nang masama ang gumagawa ng masama sa atin, okay? Alam ko gets n'yo ‘yan. Love you, guys."