Sa unti-unti nang pagtatalaga ng ilang personalidad sa gabinete ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., muling nanindigan si Miss Trans Global 2020 Mela Habijan sa kanyang pagboto kay Vice President Leni Robredo.

Ngayong araw, ang abogadang si Trixie Angeles ang pinakabagong dagdag sa gabinete ni Marcos Jr. na magsisilbing hepe ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Basahin: Abogadong si Trixie Angeles, itatalaga bilang PCOO chief – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa isang panayam, binanggit ng tagapagsalita ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez, tinanggap na ni Angeles ang nominasyon na maging press secretary.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Kabilang sa magiging tungkulin ni Angeles ang pagtutok sa operasyon ng PCOO at pagsasagawa ng regular na press briefing sa mga mamamahayag na nakatalaga sa Malacañang.

Sa isang Facebook post, muli namang nandigan ang Transpinay queen sa kanyang pagpili kay Robredo bilang kanyang pangulo.

“Proud ako sa taong binoto ko. Kasi alam ko na mga karapat-dapat ang mga taong iuupo niya sa gabinete, kung nanalo siya,” mababasa sa Facebook post ni Mela, Miyerkules, Mayo 25.

“Yung match ang skills with the appointment at may integridad ang pagkatao nila. Hindi corrupt, red-tagger, at power hungry,” dagdag niya.

Ilang kritiko na ng administrasyon ang nagpakita ng pagkabahala sa ilang itinalaga ni Marcos Jr. sa gabinete.

Kabilang sa mga nagbigay ng reserbasyon ang pasimuno ng community pantry sa bansa na si Ana Patricia Non sa susunod na hepe ng Department of Justice (DOJ).

Matapos lumitaw ang balitang tinanggap ni Cavite Representative Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla ang alok sa kaniyang maging susunod na DOJ Secretary ng administrasyong Marcos, tila nagpahayag namang hindi komportable rito si Non.

Matatandaang na-red tag ni Remulla si Non at ang mga community pantries noong kasagsagan ng lockdowns.

“Very uncomfortable na si Rep. Boying Remulla na ang DOJ Sec. Di ko malilimutan ‘yung mga accusation niya sa Community Pantry PH noong nakaraan taon sa Congress,” saad ni Non sa kaniyang burado nang Facebook post noong Lunes, Mayo 23.

Samantala, ilang personalidad na rin ang nauna nang itinalaga ni Marcos Jr. sa kanyang gabinete.