Kinumpirma ng Commission on Elections (Comelec) na natanggap na ng National Board of Canvassers (NBOC) ang huling certificate of canvass (COC) para sa May 9, 2022 national and local elections nitong Miyerkules ng madaling araw.

Sa isang mensahe sa mga mamamahayag, sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia na dakong 4:16 ng madaling araw nang mai-transmit sa NBOC ang COC mula sa Tubaran, Lanao del Sur.

Ito na aniya ang ika-173 at huling COC.

Matatandaang Mayo 24 nang magdaos ang pamahalaan ng special elections sa naturang lugar matapos magkaroon ng failure of elections noong Mayo 9 dahil sa naganap na karahasan at pagbabanta .

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Aniya, ‘glitch-free’ o walang anumang naranasang aberya sa naturang special elections na pinangasiwaan ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP).

Inaasahan namang ngayong 3:00 ng hapon ng Miyerkules ay magko-convene muli ang Comelec, bilang NBOC, upang ituloy ang canvassing ng mga boto para sa party-list groups sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.

Target ng Comelec na maiproklama ang mga winning party-list groups ngayong Mayo 26 (Huwebes) o Mayo 27 (Biyernes).