May paalala ang anak na babae ng premyadong aktres na si Caridad Sanchez para sa lahat ng mga magbibigay ng eulogy, o pagbibigay-pugay sa isang namayapa, sa burol nito.

Inilista ni Cathy Sanchez Babao ang tamang paraan ng pagbibigay ng eulogy, matapos niyang masaksihan ang pagbibigay ng eulogy sa isang napuntahang burol, bagama't hindi niya binanggit kung kaninong eulogy ba ang kaniyang napakinggan, o kung sino sa mga naimbitahang nagbigay ng eulogy ang nasuri niyang lumilihis na sa mga ibinigay niyang listahan.

"Listening to some eulogies this afternoon, and taking notes about what was done correctly and not. Here are some thoughts on writing a eulogy," panimula niya sa kaniyang Facebook post noong mayo 23.

Dito ay inisa-isa na niya ang mga dapat gawin sa isang eulogy.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

"1. A eulogy must NEVER be about yourself. Insert yourself only in the context of sharing a story or something said to you by the deceased loved one."

"2. Eulogize the person who died, NOT their late spouse, their parent, their dog, or their best friend."

"3. Share happy stories. It’s a chance to remember and share stories of their life with friends and family members."

"4. NEVER imply anything negative about the deceased. That includes implying that she or he told you secrets that no one else knew about. It's disrespectful and in bad taste."

"5. Keep your eulogy to a reasonable length. There is no specific time limit on a eulogy, but keep in mind that this is just one part of the service or gathering. Shorter is usually better for everyone. Personally, a maximum of 10 minutes would be sufficient."

"6. Most important, mean what you say. If you can't be sincere, don't go up there for the heck of it or just because you want to be included para sabihin close kayo. In today's world, may resibo ngayon ang lahat ng eulogies — it’s out there for the world to see and check just how sincere you are."

"7. End your eulogy with a fond memory and a positive outlook. The end of a eulogy is not the time to make pangaral or to gloat. The ending is a great time to either repeat a favorite memory you’ve already shared, or to add one final memory to leave your audience with. It is also comforting for the family and the audience to hear some words of encouragement or inspiration you may have gleaned from the life of your loved one."

Screengrab mula sa FB/Cathy Sanchez Babao

Screengrab mula sa FB/Cathy Sanchez Babao

Sumang-ayon naman dito ang tinaguriang Broadway Diva at pride ng Pilipinas na si Lea Salonga.

"Thanks for this. It’s in such poor taste when someone hijacks the opportunity to speak in order to make it about themselves and only themselves," ani Lea.

Sey naman ni Bibeth Orteza, "How very well said."

Screengrab mula sa FB/Cathy Sanchez Babao

Samantala, batay sa mga previous Facebook post ni Cathy, siya ay nagtungo sa burol ng yumaong 'Queen of Philippine Movies' na si Susan Roces.

"A burst of white phaelanopsis, dendrobiums, and anthuriums. Simplicity and elegance for a well loved queen. ❤️ Farewell, Tita Susan," aniya sa kaniyang Facebook post noong Mayo 21.

Sa isa pang Facebook post ay binigyang-pugay niya si Susan, kalakip ang lumang litrato nito kasama ang yumaong mister na si Da King Fernando Poe, Jr.