Inaasahan ng National Water Resources Board (NWRB) na aangat ang antas ng tubig sa mga dam, partikular ang Angat Dam na nagsusuplay ng tubig sa Metro Manila.

Ayon kay NWRB Executive Director Sevillo David, mas mataas sa normal ang inaasahang mga pag-ulan ngayong taon batay na rin sa abiso ng PAGASA dahil nagpapatuloy pa rin ang La Niña phenomenon.

Gayunman, may babala si David na dahil sa La Niña phenomenon ay posibleng mapuno at umapaw ang mga dam sakaling magkaroon ng matinding pag-ulan.

Dahil dito, dapat nakaalerto ang mga pangasiwaan ng mga dam at mga lokal na pamahalaan para mabilis na maabisuhan ang mga residente para makapaghanda sa matinding pagbaha.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Magugunitang noong nakaraang linggo ay opisyal nang idineklara ng PAGASA ang pagsisimula ng panahon ng tag-ulan.