Mainit at mahalumigmig na panahon ang mangingibabaw sa halos lahat ng bahagi ng bansa dahil sa  ridge of high pressure area na umaabot sa silangang bahagi ng Southern Luzon at Visayas, sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa kanilang weather bulletin, hapon ng Martes, Mayo 24.

Ang ridge of high pressure area, isang anti-cyclone weather system, ay nagtutulak ng mainit na hangin mula sa Karagatang Pasipiko patungo sa bansa.

Pinayuhan ng PAGASA ang publiko na iwasan ang sun exposure mula 9 a.m. hanggang 3 p.m., magdala ng payong, at dagdagan ang pag-inom ng fluids upang maiwasan ang dehydration.

Inaasahang mananatili ang mahalumigmig na panahon hanggang Sabado sa lahat ng bahagi ng bansa na may mga localized na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa huling bahagi ng araw.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Gayunpaman, nagbabala ang PAGASA sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa na maaaring mangyari sa ilang lugar.

Ang kanlurang bahagi ng Luzon at extreme Northern Luzon ay makakaranas ng katamtamang hangin at baybaying dagat sa Miyerkules, Mayo 25.

Samantala, ang natitirang bahagi ng bansa ay magkakaroon ng mahina hanggang sa katamtamang hangin at mahina hanggang sa katamtamang pag-alon sa baybayin.

Hindi inaasahan ng PAGASA ang pag-develop ng tropical cyclone sa loob ng Philippine area of ​​responsibility sa susunod na tatlo hanggang limang araw.

Luisa Cabato