Nagsagawa ng monitoring inspection ang mga kinatawan ng Compliance Monitoring and Evaluation Office (CMEO) ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) sa Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas upang siguruhing sumusunod ang mga ahensya o tanggapan sa mga probisyon ng mga batas, partikular sa pagkakaroon ng Citizen's Charter sa bawat opisina, automation requirements tulad ng one-stop-shop at iba pang kinakailangan alinsunod sa R.A. No. 11032 at mga ARTA Issuances.

Layunin ng nasabing inspeksyon na malaman at makita kung nakasusunod ang lokal na pamahalaan sa pagsisiguro ng mabisaat mabilis na transaksyon sa bawat opisina. 

Mabusising sumusunod ang Las Piñas City government sa mga rekomendasyon ng CMEO at bawat detalye ay mas pagtutuunang pansin nito upang makapaghatid ng maalwan na serbisyo para sa mga Las Piñeros.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!