Inatasan na ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso nitong Martes si social welfare department chief Re Fugoso na ayudahan ang mga pamilyang nawalan ng tahanan sa isang sunog na tumama sa isang residential area sa Pandacan kamakailan.

Nabatid na nasa 10 tahanan ang naabo sa sunog na tumama sa Kahilum 2 sa Pandacan.

Sa ulat ng Manila Bureau of Fire of Protection (BFP), dakong alas- 5:24 ng madaling araw nang sumiklab ang apoy sa dalawang palapag na tahanan na matatagpuan sa 1239 Maaliwalas Kahilum 2 St., Pandacan.

Umabot ng ikalawang alarma ang sunog bago tuluyang naapula dakong alas- 6:26 ng umaga.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Wala namang iniulat na nasugatan o namatay sa sunog, na puminsala sa tinatayang aabot sa P100,000 halaga ng mga ari-arian.

Iniimbestigahan pa ng mga otoridad ang pinagmulan ng sunog.