Kung ang showbiz columnist na si Manay Lolit Solis ang tatanungin, second alternative daw sa pader na 'Eat Bulaga' ang noontime show sa TV5 na 'Lunch Out Loud' o LOL, kaysa sa matagal na nitong katapat na 'It's Showtime' sa Kapamilya Network.

Ayon sa kaniyang Instagram post nitong Mayo 24, medyo nanghihinayang lamang daw siya sa marketing strategy ng LOL dahil hindi ito masyadong lumilikha ng ingay, kaya hindi masyadong napapansin.

View this post on Instagram

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

Tsika at Intriga

Chloe San Jose umamin, 'di pala kinuhang endorser ni Bea Alonzo

Binanggit ni Manay Lolit ang hosts nito maliban sa isang female host, na ipinagpapalagay na si Alex Gonzaga.

"Nakakahinayang ang Lunch Out Loud Salve. Ang lalaki rin ng mga hosts nila like Billy Crawford, Bayani Agbayani, Isabelle Daza, at isa pang female host na ok naman, pero bakit parang walang ingay ang programa. Sayang kasi pinanood ko siya ng 1 week at Ok naman siya. Energetic at maganda ang mga spiels. Nakakatawa ang mga comedy line, maayos ang takbo ng programa. Sayang nga at hindi ito napapansin."

Kaya mungkahi niya, sana makaisip ang pamunuan ng magandang marketing strategy para mas marami pang mahikayat na manood dito.

"Dapat siguro maka isip ng iba pang marketing strategy sila PatP at Brightlight dahil puwedeng-puwede lumaban ang Lunch Out Loud sa tanghali. Huwag nang isipin talunin ang Eat Bulaga na talagang pader na, pero to be a second alternative kayang- kaya ng LOL."

Para kay Lolit, mas maganda pa ang LOL kaysa sa It's Showtime na nakakasawa na raw ang mga gimik.

"Mas maganda pa nga ang takbo ng script nila kesa sa Showtime na nakakasawa na ang ilang gimmicks. Lunch Out Loud, make it louder at bonggang-bongga."

Samantala, wala pang tugon o reaksiyon ang It's Showtime hosts o maging ang LOL hosts tungkol dito.