Muling nag-tweet ang R&B Queen at Kapamilya singer na si Kyla kaugnay ng mga biradang natatanggap niya mula sa mga basher dahil sa kaniyang reaksiyon at saloobin tungkol sa mataas na presyo ng gasolina subalit hindi naman tumataas ang suweldo ng mga tao.

Ayon sa kaniyang tweet nitong Mayo 21, "Sobrang mahal ng gas. Pero yung sweldo ng mga tao hindi naman tumataas."

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/22/kyla-dismayado-sobrang-taas-daw-ng-presyo-ng-gas-pero-suweldo-ng-mga-tao-hindi-tumataas/">https://balita.net.ph/2022/05/22/kyla-dismayado-sobrang-taas-daw-ng-presyo-ng-gas-pero-suweldo-ng-mga-tao-hindi-tumataas/

Nagbigay naman ng reaksiyon dito ang mga netizen. May ilang mga sumang-ayon sa kaniya, at may ilan din namang nagsabing tila may himig-patutsada raw ang singer sa pamahalaan.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Sa panibagong tweet ni Kyla nitong Lunes, Mayo 23, nilinaw niyang hindi niya sinisisi ang pamahalaan sa mga nangyari. Nagbabanggit lamang daw siya ng katotohanan. Tila marami kasi ang kumuyog na netizen sa kaniyang tweet. Iginiit niyang aware siya sa mga nangyayari sa daigdig, lalo na sa digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

"I am aware of what’s happening in the world.Grabe ang comments ng ibang tao.Everyone wants to be right nowadays.Kaya walang nangyayari. I was simply stating a sad reality. It’s NOT a complaint."

"I NEVER said it’s the government’s fault. Don’t put words in my mouth," paglilinaw ni Kyla.

Sa isa pang tweet, sinabi niyang posible pa ring maging mabait sa panahon ngayon, lalo na sa social media.

"Be kind whenever possible. It is always possible," aniya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/23/kyla-niratrat-ng-bashers-dahil-sa-tweet-tungkol-sa-gas-i-never-said-its-the-governments-fault/">https://balita.net.ph/2022/05/23/kyla-niratrat-ng-bashers-dahil-sa-tweet-tungkol-sa-gas-i-never-said-its-the-governments-fault/

Muli siyang nagpakawala ng tweets, mga bandang hapon.

"If you don’t understand what someone is saying and you react and call them names, without fully understanding the context of what they’re saying, what does that make you? It doesn’t make you any better than anyone else. What does that make you as a person?"

https://twitter.com/kylaessentials/status/1528656590651691008

Ipagdarasal na lamang daw ni Kyla ang mga basher at hater na wala nang nakitang maganda sa kanilang kapwa kundi pamumuna at pamimintas.

"… If calling people names make you feel better, you need to start looking in the mirror. I feel sorry for some people spreading more hate in this world. I pray that in time, you’ll become a better person. God Bless You!"

https://twitter.com/kylaessentials/status/1528657189409554432