Sa palagay ni Lolit Solis ay talagang alam daw ni Queen of All Media Kris Aquino kung gaano kaseryoso ang kaniyang sakit, kaya ayaw nitong sumakay ng eroplano at magpagamot sa ibang bansa, ayon sa kaniyang Instagram post.

Matatandaang sinulatan umano ni Krissy ang beteranang talent manager at showbiz columnist. Naging emosyonal daw siya sa nilalaman ng liham.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/22/lolit-solis-emosyonal-sa-sulat-ni-kris-aquino-hiling-niya-na-mabuhay-siya-para-na-lang-sa-mga-anak-niya/">https://balita.net.ph/2022/05/22/lolit-solis-emosyonal-sa-sulat-ni-kris-aquino-hiling-niya-na-mabuhay-siya-para-na-lang-sa-mga-anak-niya/

Nitong Mayo 24 ay muling nag-post si Lolit tungkol kay Kris.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

"Ewan ko kung totoo ang kutob ko, Salve. Palagay ko, dahil si Kris Aquino mismo ang may alam kung ano talaga ang nararamdaman niya, kung gaano kaseryoso ang kanyang sakit, kaya ayaw niyang umalis para magpagamot sa ibang bansa. Nanduon siguro iyon takot na baka matagalan bago siya makabalik, o God forbids baka kung ano ang mangyari sa kanya."

Mababakas umano sa liham na nabasa niya mula rito kung gaano ito naghihirap ngayon.

"Si Kris Aquino mismo ang nakakaalam kung gaano kabigat ang sakit niya, at kung paano niya tinitiis ang sakit na nadarama niya. Pati pagsusulat nahihirapan na siyang gawin dahil sa sakit na nararamdaman niya."

Hanga raw si Lolit kay Kris dahil may mga araw daw na hindi na ito makagalaw at tinitiis na lamang ang sakit, alang-alang sa kaniyang mga anak na sina Kuya Josh at Bimby.

Kaya naman, nanawagan ng dasal si Lolit para sa paggaling ni Kris.

"Nakakalungkot din ang kalagayan ni Kris Aquino, talagang kailangan niya ang dasal natin, hindi lang para sa kanya kundi para kay Joshua at Bimby. Isama natin siya sa atin dasal please."

Noong Mayo 16 ay nagbigay ng update sa kaniyang kalagayan si Kris.

Pinabulaanan niya ang mga chismis na kumakalat na naghihingalo na raw siya sa ospital. Nakiusap siya sa mga tao na huwag pahirapan ang kalooban ng kaniyang mga anak, dahil patuloy pa siyang lumalaban para sa kanila.