Hindi na nailigtas pa ang buhay ng isang binata matapos bumulagta, kumbulsiyonin, at nahimatay dahil sa halos walong oras na pag-inom ng alak, sa Bacoor City, Cavite noong Linggo ng umaga, Mayo 22.

Nakilala ang lalaki na si Noel Tablang Barawid, 21 anyos, na nagtatrabaho bilang welder.

Ayon sa ulat ni Corporal Edilberto Reyes ng Bacoor City Police, batay sa salaysay ng pinsan ng biktima na si Jayve Picardal Tablang, 22 anyos, dakong 8PM ng Sabado ay nagsimula na silang tumoma kasama ang dalawa pang kasamahan sa trabaho sa loob ng construction site sa Tiroma Highway corner Daang Bukid, Habay 1, Bacoor City Cavite.

Inabot na umano sila ng 4:00 ng madaling-araw ng Linggo. Bandang 4:10AM, dito na raw nanginig at kinumbulsiyon ang lalaki at nahimatay. Naisugod pa sa Southern Tagalog Regional Hospital ang welder subalit hindi na ito naisalba pa.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Patuloy pang nagsasagawa ng autopsy sa bangkay ng biktima upang matiyak kung ano ba talaga ang dahilan ng kaniyang pagkasawi.