Isang motorcycle rider ang patay habang dalawang driver pa ang sugatan nang magkarambola ang kanilang minamanehong mga sasakyan sa Antipolo City noong Lunes, Mayo 23.

Tinangka pa ng mga doktor ng Quirino Medical Center na isalba ang buhay ng biktimang si Erwin dela Cruz ngunit binawian din ito ng buhay dahil sa tinamong mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Samantala, nilalapatan pa ng lunas ang dalawa pang biktimang nakilala namang sina Amador Fajardo Jr. at Fabian Jacildo, sa magkahiwalay na pagamutan.

Batay sa ulat ng Antipolo City Police, dakong alas-10:30 ng umaga ng Martes nang maganap ang aksidente sa Marcos Highway, malapit sa Unirock, Brgy. Sta. Cruz, Antipolo City.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Kasalukuyan umanong binabagtas nina dela Cruz, na sakay ng isang Yamaha Mio Aerox; Fajardo, na nagmamaneho ng isang airport taxi na Toyota Vios (ACG-5533); at Jacildo, na nagmamaneho ng isang Kawasaki Barako II na may sidecar, ang naturang lugar nang maganap ang aksidente.

Nabatid na aina dela Cruz at Fajardo ay magkasunod umanong bumabaybay sa Marcos Highway mula sa Cogeo patungong Masinag kung saan nauuna ang sedan ni Fajardo, kasunod ang motorsiklo ni dela Cruz.

Si Jacildo naman ay nagbibiyahe mula sa Cogeo at patungong Masinag, kasalubong ng dalawang sasakyan.

Gayunman, pagsapit nila sa naturang lugar, sinasabing nag-overtake umano si Jacildo sa isang sasakyan na nasa kanyang harapan, sanhi upang mag-overshoot ito sa linya nina dela Cruz at Fajardo.

Sumabit ang sidecar ni Jacildo sa sedan ni Fajardo at malaunan ay nabangga ang motorsiklo ni dela Cruz.

Sina dela Cruz at Fajardo ay isinugod sa Amang Rodriguez Medical Center ngunit kinailangang ilipat si dela Cruz sa Quirino Medical Center, na malaunan ay binawian rin ng buhay habang si Jacildo naman naka-confine at ginagamot na sa East Avenue Medical Center.