May kabuuang 38 pamilya mula sa iba't ibang barangay sa Quezon City ang nakatanggap ng mga titulo sa kanilang mga lupa mula sa lokal na pamahalaan noong Lunes, Mayo 23.

Ayon sa lokal na pamahalaan, ang mga pamilya ay nagmula sa mga barangay ng Baesa, Escopa III, Bagong Silangan, Kaligayahan, Fairview, Novaliches Proper, Bungad, Sto. Nino, at Payatas.

Natanggap nila ang kanilang mga titulo ng lupa sa pamamagitan ng Direct-Sale Program ng Housing and Community Development Resettlement Department ng lungsod. Ang mga titulo ay ipinasa sa kanila ni Mayor Joy Belmonte.

Layunin ng programa na tulungan ang mga informal settler families (ISFs) na magkaroon ng mga lote kung saan itinayo ang kanilang mga bahay sa pamamagitan ng direktang pagbili ng lupang pag-aari ng lokal na pamahalaan, ayon sa quezoncity.gov.ph.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Sinabi ng lokal na pamahalaan na ang mga benepisyaryo ay naging mga lehitimong may-ari ng mga lote matapos nilang bayaran ang lupa ayon sa mga tuntunin ng pagbabayad ng lungsod.

Idinagdag nito na mula noong 2019, may kabuuang 340 pamilya ang nakatanggap ng kanilang mga titulo ng lupa sa ilalim ng programa.

Maaaring makipag-ugnayan ang mga residente sa HCDRD tungkol sa proyektong pabahay ng lungsod sa https://quezoncity.gov.ph/departments/housing-community-development-and-resettlement-department/

Aaron Homer Dioquino