Kinilala ng lokal na pamahalaan ng Digos City sa probinsya ng Davao del Sur ang 80 taong gulang at Singaporean sa record bilang pinakamatandang taong nakaakyat ng Mt. Apo, ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas.

Pinangunahan ni Perla May Griffin, city tourism officer, ang pagpaparangal kay Peter Chong, na retired inflight training director.

Binigyan ni Griffin ng palumpon ng mga bulaklak si Chong, isang pagkilala bilang bagong record holder.

Nagpasalamat naman si Chong sa mga tourist guide na maingat siyang sinamahan sa pag-akyat ng Mt. Apo kung kaya'y ligtas siyang nakapanhik-panaog.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Manghang-mangha rin si Chong sa kanyang karanasan na aniya ay iba sa mga bundok na naakyat niya sa iba't-ibang lugar.

"I have climbed many mountains but this Mt. Apo is incomparable to anywhere I have climbed. It's really an adventure, really," ani Chong.

Ipinaaabot ni Chong ang kanyang pagbati sa pamahalaang lungsod ng Digos para sa mainit na pagkilala.