Nasa 585 na indibidwal lang sa kabuuang 1,032 examinees ang nakapasa sa May 2022 Chemical Engineer Licensure Exam, inihayag ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Martes, Mayo 24.

Ang pagsusulit ay ibinigay ng Board of Chemical Engineering sa Manila, Bgauio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, at Legazpi.

Samantala, kabilang sa mga top performing schools na may hindi bababa sa 80 percent o higit pang passing percentage ay ang University of the Philippines (UP) Diliman (100 percent), University of San Carlos (100 percent), UP Los Baños (95.45 percent), De La Salle University Manila (88.89 percent), at UP Visayas – Iloilo City (82.76 percent).

Si Richmond Caya Pepito ng University of San Carlos, na may rating na 86.90 percent, ang lumabas bilang top performing examinee sa nasabing licensure exam.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Charlie Mae F. Abarca