Ipagpapatuloy muli ng Commission on Elections (Comelec) ang pagdaraos ng voter registration sa bansa sa buwan ng Hunyo o Hulyo.

“Sa darating na June or July, magsisimula na muli ang ating registration of voters,” ayon kay Comelec Commissioner George Garcia sa isang pulong balitaan nitong Lunes.

Pinayuhan rin naman ni Garcia ang mga botanteng hindi pa rehistrado na abangan ang pagsisimulang muli ng rehistruhan.

"Again, du’n sa mga hindi nakapag-rehistro ng kanilang registration, pinapaalala natin, abangan niyo po ‘yung continuing registration of voters natin na gagawin ngayong June or at least by first week of July ng taon na ito,” aniya pa. 

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Batanes

Matatandaang katatapos lamang ng national at local elections sa bansa noong Mayo 9.

Ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections naman ay nakatakdang isagawa sa Disyembre 2022.