STA. TERESITA, Cagayan — Patay ang isang matandang lalaki dahil sa malubhang pinsalang natamo nito matapos mabangga ng kanyang motorsiklo ang sementadong poste ng kuryente sa harap ng Luga Elementary School sa Barangay Luga, noong, Linggo ng umaga.

Isinugod sa Alfonso Ponce Enrile Memorial District Hospital sa Gonzaga, nitong lalawigan ang biktimang si Federico T. Balesteros, 74, residente ng Barangay Alucao, dito, ngunit idineklara itong dead on arrival ni Dr. Juliet R. Banatao, attending physician. .

Sinabi ng mga rumespondeng pulis mula sa bayang ito na nakita ang biktima na walang malay, at umaagos ang dugo mula sa kanyang ulo.

Iniulat ng pulisya na binabagtas ng biktima ang provincial road sakay ng isang motorsiklo patungo sa curve portion ng kalsada.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nawalan siya ng kontrol sa kanyang motorsiklo na bumangga sa konkretong poste ng kuryente. Agad na tumawag sa pulisya ang mga concerned citizen para iligtas ang biktima.