Muling nanawagan ang labor group na Kilusang Mayo Uno (KMU), nitong Lunes, Mayo 23, para sa agarang pagpasa ng P750 na Minimum Wage Bill.

Nagsagawa ng protesta ang KMU noong Lunes ng madaling araw sa harap ng Batasang Pambansa Complex sa Quezon City habang nanawagan sila para sa agarang pagpasa ng House Bill 246, na kilala rin bilang National Minimum Wage Bill upang matulungan ang mga Pilipino sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

“Ang hangad lamang ng mga manggagawa ay maglunsad ng mapayapang pagkilos sa harap Kongreso upang ipanawagan ang agarang pagsasabatas ng P750 national minimum wage. Laking gulat namin nang isang hanay ng kapulisan ang bumungad sa amin at tuluyang humarang sa daan. Nasaan ang karapatan sa malayang pamamahayag at mapayapang demonstrasyon?” anang labor group.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang pahayag ay matapos ang kanilang protesta kung saan sinalubong sila ng mga miyembro ng Quezon City Police District (QCPD).

Samantala, bukod sa pagpasa ng National Minimum Wage Bill, isinusulong din ng KMU ang pagtanggal ng excise tax sa mga pangunahing produktong langis.

Charlie Mae. F. Abarca