Nitong Mayo 21 ay nag-tweet ang Kapamilya singer na si Kyla Alvarez tungkol sa pagtaas ng presyo ng gasolina subalit hindi naman tumataas ang suweldo ng mga tao.

Ayon sa kaniyang tweet nitong Mayo 21, "Sobrang mahal ng gas. Pero yung sweldo ng mga tao hindi naman tumataas."

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/22/kyla-dismayado-sobrang-taas-daw-ng-presyo-ng-gas-pero-suweldo-ng-mga-tao-hindi-tumataas/">https://balita.net.ph/2022/05/22/kyla-dismayado-sobrang-taas-daw-ng-presyo-ng-gas-pero-suweldo-ng-mga-tao-hindi-tumataas/

Nagbigay naman ng reaksiyon dito ang mga netizen.

Pelikula

Dennis Padilla, nag-react kung bakit naka-blur mukha niya sa isang pelikula

"Maling-mali no? Sa ibang bansa like dito sa Netherlands at Belgium naka-ilang beses nang tinaasan ang sahod kasi tumataas din ang cost of living ng lahat. Automatic 'yun lalo na taas presyo ng gas dahil sa giyera sa Ukraine. Pero nagrereklamo pa rin mga tao dito. Paano pa sa atin?"

"Soooo…. What are you going to do about it? Any suggestions that can help increase salaries of workers and at the same time not be a burden on employers? Or maybe a solution to end the worldwide oil crisis? Or are we just complaining here?"

"Kaya kailangan doble-kayod ang mga tao. Extra income sana meron lahat kung di mataasan sahod dahil may butterfly effect lahat sa ganyan."

"INFLATION. Noong nag-aral po ba kayo di po ba tinuro sa inyo ng guro n'yo? Economics po subject niyan ma'am or baka absent ka nang itinuro sa inyo 'yan?"

"Agree. Kaso pag tumaas sweldo, they find ways to invent new tax rates and higher mandatory itong sa contributions like SSS, Philhealth and Pag-IBIG."

Sa panibagong tweet ni Kyla ngayong Mayo 23, nilinaw niyang hindi niya sinisisi ang pamahalaan sa mga nangyari. Nagbabanggit lamang daw siya ng katotohanan. Tila marami kasi ang kumuyog na netizen sa kaniyang tweet. Iginiit niyang aware siya sa mga nangyayari sa daigdig, lalo na sa digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

"I am aware of what’s happening in the world.Grabe ang comments ng ibang tao.Everyone wants to be right nowadays.Kaya walang nangyayari. I was simply stating a sad reality. It’s NOT a complaint."

"I NEVER said it’s the government’s fault. Don’t put words in my mouth," paglilinaw ni Kyla.

https://twitter.com/kylaessentials/status/1528510495996936192

Sa isa pang tweet, sinabi niyang posible pa ring maging mabait sa panahon ngayon, lalo na sa social media.

"Be kind whenever possible. It is always possible," aniya.

https://twitter.com/kylaessentials/status/1528511468144304128