Ito ang anunsyo ng Tanggapan ng Pangalawang Pangulo ngayong Lunes, Mayo 23 para sa nakatakdang paghahanda para sa pagpasok ng susunod na administrasyon.

Sa isang Facebook post, ipinabatid ng Office of the Vice President (OVP) na ititigil na ang Bayanihan E-Konsulta sa Martes, Mayo 31.

“Taos-puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng nakipagbayanihan sa atin para maabot ang mga kababayan nating nangangailangan ng tulong medikal ngayong panahon ng COVID-19 pandemic,” mababasa sa anunsyo nito.

Pansamantala ring ihihinto ng tanggapan ang pagtanggap ng aplikasyon para sa medical at burial assistance simula Hunyo 1 para masiguro pa rin ang maayos na pag-turnover ng programa sa susunod na Pangalawang Pangulo.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Si Davao City Mayor Sara Duterte ang nakatakdang pumalit kay Robredo sa susunod na anim na taon kung pagbabasehan ang naging resulta ng halalan noong Mayo 10.

“Makakaasa po kayong babalikan kayo agad ng Tanggapan para sa mga updates ukol ditto,’ anang OVP.

Nagpaabot muli ang OVP ng taos-pusong pasasalamat sa mga nagbigay ng tiwala lalo na’t aktibo ring nakiisa ang ilang pribadong mamamayan para isakatuparan ang ilang programa ng OVP.

“Isang malaking karangalan po sa amin na kayo ay mapagsilbihan,” anang OVP.