Sa ilang linggong natitira sa kanyang termino, humingi ng tawad si Pangulong Duterte nitong Lunes sa lahat ng kanyang pagkukulang bilang pinuno ng bansa.

Dagdag niya, hindi sapat ang anim na taon para tapusin ang lahat ng kanyang mga proyekto.

Sinabi ni Duterte na ang kanyang ginawa ay "ang pinakamahusay" na maaaring makamit ng kanyang pagsisikap.

“Kung kulang pa ‘yun, pasensya na po. Hindi ko na talaga kaya the things that I failed to do, mostly negligence or may mga shortcomings ako,” aniya sa inagurasyon ng bagong Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Head Office Building sa Pasig City.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“But talagang 6 years would not be enough to finish all the projects,” dagdag niya.

Nang walang sinabing iba pang detalye, nagpasalamat din si Duterte sa mga television network sa bansa sa pagtulong sa kanya sa kanyang paglalakbay.

“Binigyan n’yo ako ng honor maging presidente ng Pilipinas,” aniya.

Joseph Pedrajas