Matapos ang reunion ng online personality na si Xian Gaza sa kanyang anak sa Dubai kamakailan, ilang cute at special moments ang ibinahagi ng sikat na personalidad sa Facebook.

Viral ngayon ang post ni Xian nitong Linggo matapos ang kanyang payo sa anak sa paglaki nito.

“Tinuruan ko siya ngayon na kapag may nagtanong sa kanya ng ‘What do you want to be when you grow up?’ ang dapat niyang isagot palagi ay ‘To be happy,’” ani Xian sa anak.

Para sa self-proclaimed online Marites, dapat matutunan ng kanyang anak na “happiness is the greatest form of success.”

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Ikinaantig ng netizens ang parenting style ni Xian dahilan para tumabo na sa higit 74,000 reactions at higit 2,500 shares ang naturang post ni Xian sa pag-uulat.

Naging bukas publiko ang negosyante sa ilang espesyal na sandali kasama ang anak sa ibayong bansa na makikita sa ilang serye ng Facebook posts nito.

Nauna nang naglatag ng “real talk” ang online personality kaugnay ng kakayahan niyang kunin sa puder ng ina ang kanyang anak ngunit aminado siyang hindi ito makabubuti sa kapakanan ng anak.

“Mabuti pa na ako na lang ang magsakripisyo at malayo sa kanya upang lumaki siya nang maayos na may buong pamilya. Ang role ko ay magpayaman ng husto at ilatag ang kanyang napakagandang kinabukasan,” saad ng ama.

Basahin: Daddy Xian, nagpakatotoo para sa anak: ‘Hindi ko siya kayang bigyan ng isang buong pamilya’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid