Kinagiliwan ng mga netizen ang natanggap na regalo ng bagong kasal sa Altavas, Aklan, dahil isang alagaing baboy ang inihandog sa kanila ng ninong.

Napag-alamang ang ninong nila sa kasal na isang barangay chairman na si Kap. Joseph Jencon Flores ng Barangay Catmon ang siyang nagregalo ng malaking itim na baboy sa kaniyang mga inaanak sa kasal, na sina Joshua at Elona. Ibinahagi naman ito sa Facebook post ni Anton Tolentino.

"Pauso ka sa pagreregalo sa kasal Kap Jencon Flores. Anyway, nawa ay maalagaan ni Elona Tolentino at Joshua ang baboy na 'to sa pagsisimula at pagbubuo ng buhay-pamilya nila," aniya.

Trending

'Grabe lakas mo!' Netizen na nakatanggap ng 'Hakot Challenge Award,' hinangaan

Screengrab mula sa FB ni Anton Tolentino

Nagpaabot naman ng pagbati si Ninong Kap Flores sa kaniyang mga inaanak.

"Congratulations & best wishes to the newly wed Ihado & Ihada, Joshua Pioquid & Elona Tolentino-Pioquid," aniya.

Natuwa naman daw ang mag-asawa dahil magandang panimula ito para makapagtayo sila ng negosyong babuyan.