Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) si National Task Force Against Covid-19 chief implementer, vaccine czar Secretary Carlito Galvez, Jr., ayon sa kanyang anunsyo nitong Linggo.

Ito ang unang pagkakataong nahawaan ng virus si Galvez mula nang magkaroon ng pandemya sa Pilipinas noong Marso 2020 kung saan itinokasiya ni Pangulong Rodrigo Duterte na pamunuan ang Covid-19 response ng bansa.

Aniya, natuklasan niya na nagpositibo ito sa sakit matapos na sumalang sa lingguhan niyangreverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) test nitong Linggo.

“I am experiencing mild symptoms but remain in high spirits. Members of my immediate family and I are fully vaccinated and have received the booster shot. All of us are under isolation,” pahayag nito.

National

VP Sara, suportado batas kontra ‘anti-dynasty:’ Ako yung pinakamagaling sa political dynasty!

Humingi rin ng paumanhin si Galvez sa mga nakasalamuha niya sa nakaraang pitong araw at pinayuhan sila na magpasuri at bantayan ang kanilang kalagayan.

“I encourage the unvaccinated to get the Covid-19 jab as soon as possible and those eligible to take their first and second booster doses. Keep well and stay safe,” sabi ni Galvez.

Matatandaang nag-self isolation si Galvez noong Enero matapos mahawaanng Covid-19 anhg 15 niyang empleyado.

PNA