Hindi lamang mga performances at resulta ng labanan ang pinag-usapan sa matagumpay na UAAP Cheerdance Competition 2022 ng Season 84 sa SM Mall of Asia Arena ngayong Mayo 22, 2022, kundi maging ang ilang mga eksena na nauugnay pa rin sa naganap na halalan.

Naglaban-laban sa #UAAPCDC2022 ang Ateneo Blue Eagles, National University (NU) Pep Squad, University of the Philippines (UP) Pep Squad, Far Eastern University (FEU) Cheering Squad, Adamson Pep Squad, De La Salle University (DLSU) Animo Squad, University of the East (UE) Pep Squad, at University of Santo Tomas (UST) Salinggawi Dance Troupe.

Hindi nagtagumpay ang two-time defending champion na NU Pep Squad na maiuwi ang kampeonato, subalit sila naman ang itinanghal na second runner-up.

Adamson Pep Squad naman ang itinanghal na first runner-up.

At matapos ang 13 taon, ang itinanghal na kampeyon ay ang FEU Cheering Squad.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/22/feu-champion-ng-uaap-cheerdance-competition-2022-adamson-nu-runners-up/">https://balita.net.ph/2022/05/22/feu-champion-ng-uaap-cheerdance-competition-2022-adamson-nu-runners-up/

Kaagad namang nag-tweet ang anak ni Vice President Leni Robredo na si Tricia Robredo ng pagbati sa NU Pep Squad, lalo't gumamit sila ng flaglets na kulay pink at kulay green. Matatandaang ito ang kulay ng Leni-Kiko tandem.

"Always so proud of NU Pep," saad ni Tricia sa kaniyang tweet.

https://twitter.com/jpgrobredo/status/1528323312304128001

Samantala, maririnig naman ang audience na isinisigaw ang 'Ang Presidente-Bise Presidente (Leni-Kiko) chant na pinasikat ni Gab Valenciano sa mga campaign rallies ng Kakampink.

"Ang President (Leni Robredo) Bise Presidente (Kiko Pangilinan)!" sigaw ng audience.

https://twitter.com/CheerMNL/status/1528322525142589440